Connect with us

Capiz News

Magkasintahan nag-McWedding sa Roxas City, Capiz

Published

on

Photos by Fritzie Kate Giron

Sa gitna ng quarantine restrictions, kahanga-hanga ang magkasintahang ito mula Roxas City, Capiz matapos magpakasal sa isang branch ng McDonald dito sa lungsod nitong Martes, Hunyo 16.

Sila sina Manuel Luis Luna, 28-anyos, at Gale Nexee Apa-ap, 27, pawang mga taga-Roxas City.

“The McWedding, I will never be ashamed that we had our wedding and ceremony at Mcdonalds, we may not have the perfect venue but I will always have a perfect partner,” pagbabahagi ng lalaki sa kaniyang Facebook post.

Trending sa Facebook ang post ni Manuel. Umani ito ng mga pagpuri at pagbati sa bagong kasal.

Sa panayam ng Radyo Todo Capiz kay Gale Nexee, sinabi niya na noon pa man ay gusto na nilang mag-kiddie party. Aniya dapat noong May 20 pa ang kanilang kasal sa isang resort pero dahil sa pandemya ay naipagliban ito.

“I’m thankful that you accepted me for who I am and for what I have despite of all my flaws. I was never perfect but yet you love me as if I am,” pagbabahagi pa ni Manuel sa kaniyang post.

“I thank God every day that He gave someone like you to me. Loving you is such a wonderful thing. I love you so much and I will spend the rest of my life showing you just how much I love you,” sagot naman ng babae sa kaniyang Facebook post.

Isang pagbati sa bagong kasal!