Capiz News
Magsasaka, binaril sa Panay; mga suspek nakamotorsiklo
Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng Panay PNP ang insidente ng pamamaril na naganap dakong alas-12:20 ng madaling araw ng Lunes sa Brgy. Cogon, Panay.
Kinilala ang biktima na si Marlon Bernas Huecas, residente ng Brgy. Lus-unan sa bayang ito.
Nag-iinuman umano ang biktima kasama ang dalawa nitong kaibigan sa isang waiting shed nang maganap ang insidente.
Napadaan umano ang isang motorsiklo sa waiting shed na iyon sakay ang tatlong kalalakihan saka binaril ang biktima at mabilis na tumakas mula sa lugar.
Nagtamo ng sugat ng pamamaril ang bitkima sa kaniyang dibdib.
Photo: PCpl. J. Barredo
Continue Reading