Connect with us

Capiz News

Mangingisda patay matapos mahulog sa fishing boat sa Roxas City

Published

on

Patay ang isang mangingisda matapos mahulog sa sinasakyang fishing boat sa Brgy. Culasi, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Ronald Guzman, 22-anyos, residente ng Balud, Masbate.

Ayon sa tiyuhin ng biktima na si Arnold delos Santos, hindi nila napansin ang pagkahulog ng biktima. Pinaalam lamang umano sa kanila ng isang lalaki na nakasakay sa isa pang bangka na nakakita ng insidente.

Hindi na nangahas na sisirin ng tiyuhin at ng mga kasama nito ang nasabing biktima dahil madilim pa ang paligid nang maganap ang insidente Huwebes ng madaling araw.

Huli narin naipaalam ang insidente sa mga taga-Philippine Coast Guard. May sikat na ang araw nang matagpuan ang lalaki matapos ang search and rescue operation.

Nabatid na nakainom ang biktima kasama ang tiyuhin nito nang maganap ang insidente.

Nasa dalawang araw na nakastandby sa baybayin ng Brgy. Culasi ang fishing boat nila matapos masiraan ito ng makina.

Continue Reading