Connect with us

Capiz News

Mass poisoning ng mga aso ikinagulantang ng mga residente sa Happy Homes Subd.

Published

on

Nasa 30 mga alagang aso ang namatay kabilang na ang dalawang pusa at dalawang highbred na aso sa nangyaring panglalason sa Happy Homes subdivision sa Brgy. Sibaguan, Roxas City.

Batay ito sa accounting ng ilang opisyal ng Homeowners Association ng naturang subdivision.

Sa imbestigasyon ng Radyo Todo Capiz, naganap ang insidente nitong Hulyo 24 ng gabi.

Ilang mga residente at may-ari ng aso ang nagulantang sa malawakang panglalason ng mga aso sa kanilang subdivision. Wala umanong pabatid ang pamunuan ng subdivision sa operasyong ito.

Ayon sa ilang mga residente, nasaksihan pa ng ilang mga bata ang nangyari. Nagdulot umano ito ng trauma sa kanila matapos makita ang nakahilira at namimilipit na mga aso.

Nakita rin ng ilan ang naglagay ng mga lason sa kalsada at pinaglalagay sa pick-up ang mga namatay na aso.

Sa panayam kay Paul Pendon, Property Management Head ng Pueblo de Panay, nakikipagpulong na siya sa mga nagrereklamong mga residente para imbestigahan ang nangyari.

Itinanggi naman ni Pendon na may kinalaman ang Pueblo de Panay bilang developer ng subdivision sa nangyari. Posible aniyang may nagtripping lamang sa mga aso o may mga kaalit ang mga residente.

Ilan sa mga residente ang handang magsampa ng kaukulang kaso kontra sa mga naglason ng aso.

Matatandaan na ilang aso rin ang naiulat na namatay sa lason sa San Lorenzo Subdivision nong parehong gabi. Ang subdivision ay pinamamahalaan rin ng Pueblo de Panay developers.

Continue Reading