Connect with us

Capiz News

MGA BARANGAY SA ROXAS CITY BINIGYAN NG PARANGAL SA KANILANG PERFORMANCE SA GITNA NG PANDEMYA

Published

on

Pinarangalan ng Roxas City Government sa pamumuno ni Mayor Ronnie Dadivas ang mga barangay sa lungsod sa kanilang performance sa gitna ng pandemya.

Sa Upod Kita sa Pag-Excell Barangay Search for CURES (COVID-19 Unified Response and Effective Strategies) kinilala ng city government ang kontribusyon ng mga barangay at SK officials sa pagsugpo ng COVID-19, pagpapatupad ng mga health protocols, at implementasyon ng vaccination program.

Mismong si DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino ang nagawad ng nasabing parangal. Kasama rin sa nasabing event sina Assistant Regional Director Maria Calpiza J. Sardua, DILG Provincial Director John Ace Azarcon at Assistant Provincial Director Allan Alvidera.

Champion bilang Best Performing Barangay sa 2021 Excellence in Local Governance Search for CURES ang Barangay Lawaan na tumanggap ng plake at Php100,000 na premyo.

2nd Place naman ang Bago na tumanggapa ng Php50,000 na premyo, 3rd Place ang Barra na tumanggap ng 30,000 na premyo.

Narito pa ang ibang barangay na pasok sa top 10: Punta Tabuc, Barangay X, Barangay Culajao, Barangay Dayao, Barangay Culasi, Barangay Tanque, Barangay II.

Habang ang Top 10 SK performers ay SK Barangay X, SK Baybay, SK Cogon, SK Culasi, SK Dumolog, SK Lawaan, SK Libas, SK Milibili, SK Punta Tabuc, SK Tanque.

Continue Reading