Capiz News
Mga Capiznon na stranded sa Boracay, hinatiran ng tulong ng gobyerno probinsyal
Pinadalhan ng gobyerno probinsyal ng Capiz ng foodpacks ang mga stranded na mga Capiznon sa Isla ng Boracay sa Labor Day.
Nabatid na nagpadala ng sulat ang grupo ng mga stranded Capiznon sa pamamagitan ng Facebook page ng provincial government na humihiling sa gobernador na makauwi na sila sa probinsya.
Dahil sa umiiral na community quarantine at border restrictions hindi pa nakakauwi ang grupo kaya humingi nalang na dalhan sila ng foodpacks upang maitawid nila ang kanilang pang-araw-araw.
Sa tulong ng mga kapulisan sa Isla ay naipamahagi ang mga foodpacks sa mga stranded kabilang dito ang mga nawalang ng trabaho roon bagay na ikinatuwa ng mga ito.
Sa kabilang banda, aminado ang gobyerno probinsyal na may ilan pa ang hindi nabigyan ng tulong dahil hindi umano naisama sa lista.
Patuloy ang panawagan ng provincial government sa iba pang stranded na Capiznon na magsumite ng kanilang pangalan sa Kabalaka Information Center FB page para mabigyan ng tulong.
As of May 1, nakapaglista na ng 280 mga stranded na Capiznon ang gobyerno probinsyal at nag-atas na sa mga pamahalaang lokal na berepikahin ang mga ito.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng General Community Quarantine o “New Normal” ang probinsya simula nitong Mayo 1.