Capiz News
Mga empleyado ng Provincial Hospital sa Capiz nagprotesta sa kanilang sweldo
Nagsagawa ng candle lighting protest ang mga healthcare workers at mga empleyado ng Roxas Memorial Provincial Hospital kagabi upang ipahayag na nasa kritikal na estado na ang ospital.
Kabilang sa ipinoprotesta ng mga healthcare workers ang kanilang sweldo.
Anila, nasa kritikal na sitwasyon na ang ospital at nananawagan ang mga ito na ipagpaliban muna ang pamumolitika sa gitna ng pandemiya at na aprobahan na ang hinihingi nilang supplemental budget.
Mababatid na hindi parin naaprubahan sa committee on appropriation ng Sangguniang Panlalawigan ang hiling ng gobernador na supplemental budget para sa RMPH kabilang rito ang ipapasweldo sa mga empleyado ng ospital.
“There are no ghosts here, just healthcare workers fighting for other people in the name of HEALTHCARE,” pahayag ng ospital sa kanilang post sa Facebook kagabi lakip ang larawan ng ginawang protesta.
“‘The moment we stop fighting for each other, that’s the moment we lose our humanity'” dagdag pa nila kasama ang hashtag #SaveRMPH, #OneRMPH, #HealthComesFirst at #StandWithRMPH