Connect with us

Capiz News

Mga ginutay-gutay na pera natagpuan sa bakanteng lote sa Roxas City

Published

on

Ikinagulat ng ilang mga residente ang mga sako-sakong ginutay-gutay (shredded) na pera sa isang bakanteng lote sa Brgy. Cagay, Roxas City nitong umaga ng Miyerkoles.

Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang Radyo Todo Capiz News Team sa lugar matapos magparating ng impormasyon ang ilang mga residente kaugnay rito.

Nakapanayam ng news team sa lugar si Jonathan Agrasada kung saan sinabi nito na ang mga ginutay-gutay na pera ay dapat dadalhin ng kanilang dump truck sa dumping site sa San Jose dito sa syudad para sa proper disposal.

Nabatid na si Agrasada ay kontraktor ng Central Bank para magkarga ng mga shredded money para i-dispose sa dumping area.

Pero ani Agrasada, naplatan umano ang kanilang truck kaya kinailangan nilang i-diskarga ang mga nasabing ginupit na pera para ipaayos ang sasakyan.

Nabatid na ang mga nasabing pera ay galing sa Central Bank dito sa lungsod. Ito ay mga luma na mga banknote sa iba-ibang denominasyon.

Pinasiguro naman ni Agrasada na liligpitin rin nila sa lugar ang nasabing basura para sa tamang disposal ng mga ito.

Continue Reading