Capiz News
Mga militar at mga rebelde nagka-enkwentro sa Tapaz, Capiz
Nagka-enkwentro ang mga miyembro ng Philippine Army at pinaniniwalaang mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Tabiay, Barangay Buri, Tapaz, Capiz hapon nitong Huwebes.
Ayon sa Tapaz Municipal Police Station, nagsasagawa ng ‘combat operation’ ang mga tauhan ng 3ID Philippine Army sa pagpamuno ni 1st Lieutenant Mark Ryan Espejo nang maganap ang insidente.
Tumagal ng isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang hanay.
Walang naiulat na nasugatan habang hindi pa malaman kung may natamaan sa kabilang grupo.
Kabilang sa mga narekober mula sa mga rebelde ang Improvised Explosive Device (IED), binoculars, 1 container ng abono, 1 sako ng bugas, 5 litro ng gasolina, 3 talibong.
Nasabat rin ang 4 flashlights, 6 duyan, 9 backpack, 2 stove, 2 kilo ng tabaco, 150 metro na wiring, mga assorted food at medical supplies at ilang mga dokumento.
Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyari.