Connect with us

Capiz News

Mga non-essential business establishment sa Roxas City temporaryong ipasasara

Published

on

Isinusulong ngayon sa Roxas City council ang pansamantalang pagpapasara sa mga non-essential business establishment sa lungsod kasunod ng krisis sa Coronavirus o COVID 2019.

Ayon kay Konsehal Atty. Paul Baticados, chairperson ng Committee on Rules and Ordinances, layunin nito na maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao dahil sa lumalaganap na kaso ng COVID19.

Batay sa sulat ni Mayor Ronnie Dadivas na ipinadala sa Sanggunian, kabilang sa mga hiniling niya na temporaryong ipasara ay ang mga sumusunod:

1. Internet shops;

 2. Gaming stations;

 3. Billiard halls;

 4. Videoke bars;

 5. Basketball courts;

 6. Badminton courts;

 7. Bowling alleys;

 8. Movie houses;

 9. Bingo houses;

 10. e-gaming establishments;

 11. Kids playrooms;

 12. Video arcades;

 13. Massage parlors;

 14. peryahan; at

 15. Malls maliban lamang sa mga kainan, suspermarket, parmasya at mga kahalintulad sa loob nito.

Sasailalim pa sa pagdinig ang nasabing panukala.

Continue Reading