Connect with us

Capiz News

Mga papasok ng lalawigan ng Capiz, kabilang na sa LSI (Locally Stranded Individual)

Published

on

province of capiz image

Capiz – Kabilang na sa mga Locally Stranded Individual (LSI) ang sinumang papasok sa probinsya ng Capiz at isasailalim sa manadatory 14-day quarantine.

Ito ang inanunsyo ng Capiz Provincial Government sa kanilang FB page na Capiz Kabalaka Information Center.

Sa mga Capizeño o indibidwal na papasok sa Capiz border galing Iloilo City ay kailangang magpresenta ng mga sumusunod:

1. Valid ID
2. Medical Certificate – Individual at APOR ( valid for 72 hours) Cargo (valid for 5 days)
3. Thermal Scanning
4. Letter of Acceptance and Travel Authority (for Iloilo City only)

Ang mga public transport vehicles naman na dadaan sa provincial borders dapat magpakita ng manifesto ng mga pasahero sa border checkpoint.

Maaalala na ang Iloilo City ang nag-iisang lugar sa Western Visayas na isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ).

Continue Reading