Connect with us

Capiz News

Mga pasaway na mga motorista binalaan ng HPG Capiz sa kanilang “Oplan Sita”

Published

on

Binalaan ng Highway Patrol Group Capiz ang mga pasaway na motorista sa gitna ng kanilang operasyon “Oplan Sita” sa mga pangunahing kalsada.

Sa panayam ni KaTodong Butchoy Obienda sinabi PMSgt. Leobel Lopez, tagapagsalita ng HPG Capiz, na tuloy-tuloy ang pagpapatupad nila ng mga batas sa kalsada.

Mahigpit na ipinatutupad ng kapulisan ang Republic Act 4136 o  “Land Transportation and Traffic Code” at Presidential Decree 96 o “Declaring Unlawful The Use Or Attachment Of Sirens, Bells, Horns, Whistles Or Similar Gadgets That Emit Exceptionally Loud Or Startling Sounds, Including Domelights And Other Signalling Or Flashing Devices On Motor Vehicles And Providing Certain Exceptions Therefor”.

Ayon pa kay PMSgt. Lopez, kapag may mga nahuli silang lumabag sa batas gaya ng modification ng muffler o ilaw, pinapipili nila ang driver kung penalidad o on the spot nilang alisin ang mga ito at sirain sa harap ng kapulisan.

Php15,000 daw kasi ang multa sa ganitong mga paglabag.

May mga nahuhuli rin umano ang tropa na mga jeep at iba pang utility vehicle na overloading. Pinagmumulta sila ng Php6,000.

Kaugnay rito, nanawagan si Lopez sa taumbayan na sumunod sa batas, dalhin ang mga kaukulang dokumento kapag nagbibiyahe.

Kapag nagmamaneho naman aniya ng motorsiklo ay dapat nakasuot ng helmet.

Continue Reading