Capiz News
Mga residente na uuwi sa Capiz papayagan na


Pinapayagan na ngayon ng gobyerno ang pag-uwi ng mga residente sa probinsiya ng Capiz.
Simula nitong Martes, Setyembre 22, epektibo na ang pag-alis sa moratorium ng mga uuwing mga residente sa mga probinsiya ng Capiz at Aklan.
Kasunod ito ng inilabas na Advisory ng Department of the Interior and Local Government (DILG) region 6 sa parehong araw.
Mababatid na Setyembre 15 nang maglabas ng Resolution No. 71 S. 2020 ang Inter-Agency Task Force for COVID-19 na parsyal na pag-aalis ng suspensyon ng byahe ng mga uuwi sa rehiyon 6.
Hinihiling naman ni OIC Regional Director Juan Jovian Ingeniero ng DILG 6 sa mga lokal na pamahalaan na iupdate ang kanilang mga Quarantine Facility Tracker for Locally Stranded Individuals at mga Returning Overseas Filipinos.
Mababatid na ipinatupad ang pansamantalang moratorium sa pag-uwi ng mga LSI sa Capiz kasunod narin ng hiling ng gobyerno probinsyal sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.