Connect with us

Capiz News

Mga tabla, top down jeep kinumpiska ng kapulisan sa checkpoint sa Roxas City

Published

on

Naharang ng mga tauhan ng Roxas City PNP sa isang checkpoint sa Brgy. Balijuagan ang isang top down jeep na may kargang iba-ibang laki at haba ng mga tabla.

Kinumpiska ng kapulisan ang top down jeep at ang mga tabla matapos walang maipakitang kaukulang dokumento ang driver na si Ronelo Dela Torre, 47-anyos, residente ng Brgy. Maninang, Sapian, Capiz.

Nagsasagawa ng border control ang mga kapulisan madaling araw ng Lunes, Marso 16 kaugnay ng ipinatutupad na strict community quarintine ng lungsod dahil sa banta ng Corona Virus 2019 nang maharang ang truck.

Kabilang sa mga nakumpiska ang 17 piraso ng tabla mula sa kahoy na tipolo na itinuturing na endangered species at 66 piraso ng tabla ng niyog.

Nakatakdang iturn-over sa Department of Environment and Natural Resources ang mga nakumpiskang tabla.

Posibleng maharap ang driver sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.

Continue Reading