Capiz News
Mister nalunod, patay sa Father’s Day sa Tapaz, Capiz


Nauwi sa trahedya ang dapat sanay masayang Father’s Day celebration ng isang pamilya sa Tapaz, Capiz.
Ito ay matapos malunod at mamatay ang mister sa Marugo Lake sa Brgy. San Antonio sa nasabing bayan habang nagdiriwang kasama ang mga kamag-anak.
Kinilala ang biktima na si John Galo, residente ng Brgy. Candelaria ng naturang munisipalidad.
Ayon sa report ng Tapaz PNP, sumasakay sa kayak ang nasabing biktima kasama ang kaniyang bayaw at dalawang menor de edad nang maganap ang insidente.
Ilang sandali pa ay lumubog ang sinasakyan ng mga ito.
Nakaligtas sa pagkalunod ang tatlo pero dahil sa hindi umano marunong lumangoy ang biktima, nalunod ito.
Agad na isinugod ito ng mga rescuer sa Tapaz District Hospital pero hindi na umano umabot pa ng buhay ayon sa doktor.