Capiz News
Mister naospital matapos mag-inom ng lason sa damo


Patuloy na inoobserbahan ngayon sa ospital ang isang 27-anyos na lalaki mula sa bayan ng Jamindan, Capiz matapos mag-inom ng lason sa mga damo.
Naganap ang insidente kagabi dakong alas-9 sa Brgy. Agloloway sa nasabing bayan.
Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang misis nito dahilan nang tangkang pagpapakamatay ng una.
Naagaw ng misis ang bote ng lason sa damo at mabilis na isinugod sa ospital ang lalaki para sa kaukulang paggamot.
Una siyang dinala ng Jamindan Response Unit sa 3ID Stations Hospital bago inilipat sa sa Mambusao District Hospital para sa karagdagang medikasyon.
Continue Reading