Connect with us

Capiz News

MISTER PATAY HABANG NAKA-CHECK-IN SA ISANG MOTEL SA ROXAS CITY KASAMA ANG KARELASYON

Published

on

Isang 41-anyos na mister ang namatay habang naka-check-in sa isang motel sa Roxas City, Capiz kasama ang kaniyang karelasyon.

Nabatid na alas-2:00 ng madaling araw nitong Martes nang nagmotel nalang ang dalawa matapos hindi na makapasok sa kanilang apartment dahil sa curfew.

Galing umano sa isang okasyon ang dalawa kung saan nakipag-inuman sila hanggang sa mag-umaga.

Napag-alaman na may sakit ang nasabing mister at posibleng ito ay inatake sa puso dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Dinala na sa punerarya ang bangkay ng lalaki habang patuloy pa ang imbestigasyon ang kapulisan.

Continue Reading