Connect with us

Capiz News

Negative RT-PCR result required na sa mga domestic inbound traveler na papasok ng Capiz

Published

on

Required na na magpakita ng kanilang negative RT-PCR result ang mga inbound traveler mula sa labas ng Panay Island kapag papasok ng Capiz.

Ito ay batay sa bagong advisory na inilabas ni Gov. Nonoy Contreras ng Capiz nitong Enero 7, Biyernes kasunod umano nang napagkasunduan ng Provincial Inter-Agency Task Force.

Ipatutupad ito simula sa Enero 10, Lunes. Ang panuntunang ito ay regardless sa vaccination status ng isang traveler.

Dagdag pa sa advisory, lahat ng mga inbound travelers ay hinihikayat na boluntaryong mag-home quarantine ng at least seven days para maiwasang makahawa sa iba.

Kaugnay rito, kinansela narin ang mga aplikasyon sa Safe, Swift, and Smart Passage online hanggang sa magkapagsumite ng negative RT-PCR result ang mga traveler sa loob ng 72 hours ng ilabas ang resulta.

Muling nagpaalala ang gobernador sa publiko na sundin ang minimum health protocols sa gitna ng pangamba sa Omicron variant at biglang paglobo ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Continue Reading