Capiz News
Negosyanteng top 9 most wanted person sa Capiz, naaresto


Arestado ang isang ginang na top 9 most wanted person sa provincial level at top 2 sa city level matapos silbihan ng warrant of arrest sa Barangay Inzo, Roxas City nitong Martes.
Kinilala ang akusadong si Yhen, 37-anyos, negosyante, residente ng Barangay. Cagay, Roxas City.
Ang warrant of arrest sa kasong estafa ay pirmado ni Presiding Judge Kristine Tiangco-Vinculado ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 16, Roxas City, Capiz.
P120,000 ang piyansang inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
via Radyo Todo Capiz
Continue Reading