Capiz News
“No QR Code, No Entry” policy ipatutupad na sa Roxas City
Posibleng ipatupad na sa mga susunod na araw sa Roxas City ang “No QR Code, No Entry” policy sa mga establisyemento para sa COVID-19 contact tracing.
Ito ay matapos aprubahan nitong linggo sa committee hearing ang panukalang QR Coding system ordinance ng lungsod.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing pagdinig ay ang mga manager ng malalaking malls sa lungsod, MRWD, Capelco, at mga hospital administrator.
Sa nasabing hearing sa pangunguna ni Konsehal Cesar Yap, chairperson ng Committee on Health, napagkasunduan na bibigyan nalang ng 30 days ang mga establishment sa paggamit ng logbook.
Inaasahan na makakapagrehistro ang mga residente sa loob ng 30 days para sa ID QR Code card. Libre umano itong ipamimigay sa kanila.
Kapag ang na-scan ay positibo sa COVID-19, magbibigay ng warning ang scanner at dadalhin sa holding area ang nasabing indibidwal.
Nakatakdang isalang sa plenaryo ang nasabing panukalang ordinasa para ipasa sa ikatlo at huling pagbasa.