Connect with us

Capiz News

Ordinansa kontra hoarding, panic buying isinusulong sa Roxas City Council

Published

on

Isinusulong ngayon sa Roxas City council ang panukalang ordinansa kontra hoarding at panic buying sa panahon ng krisis gaya ng Coronavirus 2019 pandemic.

Sa kaniyang privilege speech sa regular session ng Sanggunian sinabi ni Konsehal Atty. Paul Baticados, may akda ng panukala, layunin nito na gawing patas ang distribusyon ng pagkain at mga kailangang suplay sa bawat pamilya.

Sinabi ng konsehal na sa panahon ng krisis kawawa ang mga mahihirap o mga limitado ang kakayahang makabili kapag hindi nasawata ang panic buying at hoarding.

“Kinahanglan patas ang laban, kinahanglan patas ang serkulasyon,” pahayag ng lokal na mambabatas na siya ring chairperson sa Committee on Rules and Ordinances.

Sang-ayon naman rito ang iba pang konsehal.

Aprubado na sa unang pagbasa ang panukalang ordinansa at nakatakdang sumailalim sa ikalawa at huling pagbasa sa susunod na sesyon.

Continue Reading