Connect with us

Capiz News

Pabuya sa makakapagturo sa pumaslang kay Kapitan Catamin itinaas na sa Php500K

Published

on

Magbibigay ng pabuya ang pamahalaang lokal ng Tapaz sa makapagtuturo sa suspek sa pamamaril-patay kay Kapitan Julie Catamin.

Itinaas na ng pamahalaang lokal ang pabuya mula sa Php300,000 sa Php500,000 anunsiyo ng Tapaz Information Office.

Mababatid na si Punong Barangay Catamin ng Brgy. Roosevelt sa Tapaz ay binaril sa Brgy. Malitbog, Calinog, Iloilo noong Pebrero 28.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, papauwi na ang opisyal sakay ng kaniyang motorsiklo nang ito ay barilin ng riding-in-tandem.

Mariing kinokondena ng pamahalaang lokal ng Tapaz ang pagpatay kay Catamin na kinilala siya bilang “true public servant who was advocate of peace.”

Nabatid na sa kaniyang termino ay dineklara nitong mga persona non grata ang mga miyembro ng CPP-NPA sa kaniyang barangay.

Samantala, sinabi ni Maj. Cenon Pancito III, tagapagsalita ng Army’s 3rd Infantry Division (3ID), na ang pagpaslang sa kapitan ay “kagagawan ng mga CPP-NPA”.

Taliwas ito sa pahayag ng communist terrorist group (CTG) na ito kagagawan ng tropa ng gobyerno.

Continue Reading