Connect with us

Capiz News

Pagpapatupad ng shield o barrier sa mga motorsiklo ipinagpaliban sa Agosto 1

Published

on

Ipinagpaliban ng gobyerno nasyonal ang pagpapatupad ng barrier o shield sa mga motorsiklo para sa angkas sa Agosto 1.

Matatandaan na unang inanunsiyo ng COVID-19 Inter-Agency Task Force na ipapatupad sana nila ito sa Hulyo 19 pero nagbigay sila ng extension at ginawang Hulyo 26.

Hindi na naman naipatupad nitong Hulyo 26 ang nasabing “pallion riding o back-riding” gamit ang Bohol prototype o Angkas sa halip ay ipatutupad nalang sa unang araw ng Agosto.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PCapt. Peter Bergonio, Provincial Officer ng Highway Patrol Group sa Capiz, na nakatanggap na sila ng direktiba mula sa itaas para ipatupad ito.

Nagpaalala si PCapt. Bergonio sa mga motorista na magdala ng ID na patunay na sila ay mag-asawa or common law husband and wife or boyfriend, girlfriend.

Ayon sa opisyal ng HPG, wala pang itinakdang multa o kaparusahan sa mahuhuling labag rito

Continue Reading