Connect with us

Capiz News

Pagtatayo at operasyon ng crematorium sa Mongpong, Roxas City inirereklamo

Published

on

Inirereklamo ng mga residente ang umano’y pagtatayo ng crematorium sa Brgy. Mongpong, Roxas City lalo at malapit ito sa ilang bahay.

Isang petisyon ang inihain ng ilang mga residente sa Sangguniang Panglungsod. Nababahala ang mga residente sa posibleng epekto ng operasyon ng crematorium sa kanilang kalusugan.

Ayon kay Konsehal Garry Potato, Committee Chair on Zoning, hindi pa inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ang request ng may-ari na magtayo ng crematorium dahil sa mga kakulangan ng mga dokumento at dahil narin na malapit nga ito sa mga kabahayan.

Lumalabas kasi mula sa mga residente na inaprubahan na ng Sanggunian ang request ng may-ari rason kung bakit patuloy ang construction ng nasabing gusali sa kanilang lugar.

Pinasiguro ni Konsehal Potato na hanggang hindi nabibigyan ng Mayor’s Permit ang may-ari ay hindi ito maaaring makapag-operate. Paiimbestigahan naman sa City Engineering Office ang pagtatayo ng gusali.

Nakatakdang sumailalim sa pagdinig ng Committee on Zoning ang petisyon ng mga residente.

Continue Reading