Capiz News
PASYENTE NA NALUNOD TINANGGIHAN DAW SA OSPITAL DAHIL MAY SAKIT NA COVID-19
Nagreklamo sa Roxas City PNP ang isang ginang matapos mamatay ang kaniyang anak na nalunod dahil ayaw raw silang papasukin sa ospital.
Salaysay ni Nerisa Moreno ng Brgy. Lat-asan, Panay, natagpuan nalang umano nila na nakalutang na sa ilog ang kaniyang 21-anyos na anak na si Michael Rey.
Giit ng nagrereklamo, gumagalaw pa ang kamay ng anak matapos maiahon sa tubig saka dinala nila sa Health Centrum dito sa Roxas City para sana maagapan.
Gayon nalang aniya ang kaniyang pagwawala nang wala umano na nag-aasikaso sa kanila na mga staff ng ospital.
Nagalit pa umano ang isang nurse dahil sa pagpupumilit nitong mabigyan ng first aid ang anak.
Kasama aniya nila ang kapulisan ng Panay na nag-antay sa labas ng emergency room nang bawian ng buhay ang kaniyang anak.
Kalaunan sinabi ng gwardiyang babae na sinususpetsahan na may COVID-19 ang pasyente.
Naganap ang insidente nitong Abril 19 at nitong Abril 21 nagparekord sa Roxas City PNP ang ginang.