Connect with us

Capiz News

PCapt. Monsera sasampahan ng kaso re: banggaan ng ambulansya vs. Montero.

Published

on

Nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Double Homicide, Multiple Serious Physical Injuries and Damaged to Property si PCapt. Alcer Monsera, hepe ng Dumalag PNP.

Ayon kay PCapt. Gregg Anthony Salbang, hepe ng Ivisan PNP, sinisikap umano ng Ivisan PNP na isampa ang kaso nitong araw ng Huwebes sa Office of the Provincial Prosecutor.

Matatandaan na nasangkot ang hepe ng Dumalag PNP sa banggaan ng Montero na ikinamatay ng dalawang tauhan ng Sigma Emergency Response Team.

Patay sa naturang aksidente ang driver ng ambulansya na si Darius Yap at ang kasama nito na si Ernie Fulgencio.

Sinabi ni PCapt. Salbang na lumalabas sa imbestigasyon na si Monsera ang driver ng Montero nang maganap ang aksidente taliwas sa mga pahayag ng ilan na ang driver ng sasakyan ay si Romelyn Baldado.

Panawagan ni Salbang na bukas parin sila sa mga nais magpatunay na si Baldado nga ang driver ng sasakyan at hindi si Monsera.

Giit ni Salbang, hindi pa nila nakukuhanan ng pahayag si Monsera dahil nakatakda itong isailalim sa pangalawang operasyon matapos magtamo ng malubhang sugat sa katawan kasunod ng aksidente.

Pinasiguro naman ng hepe ng Ivisan PNP na papabilisin nila ang imbestigasyon at na maging patas ito.

Continue Reading