Capiz News
Php100-M Road Projects sa Capiz isinusulong ng mapondohan ng Deparment of Budget ang Mgt
Isinusulong ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Capiz na mapondohan ang rehabilitasyon ng mga provincial road sa Tapaz at Panitan na may kabuuang Php100-M.
Inaprobahan ng mga miyembro ng Sanggunian ang Resolution No. 542, series of 2021 na humihiling sa Department of Budget and Management (DBM) na mapondohan ang mga proyektong ito.
Planong ipaayos o ipakonkreto ng gobyerno probinsyal ang bahagi ng Conciencia-Tinigban Provincial Road sa Panitan at bahagi ng Jimenez Taft Provincial Road sa Tapaz.
Tig-Php50-M ang pondong ilalaan ng gobyerno sa mga nasabing proyekto na bahagi ng Local Development Investment Program and Annual Investment Program ng probinsya.
Ang resolusyon ay inakdaan ni Board Member Jonathan Besa, chairman ng Committee on Appropriations.
Umaasa si Vice Governor Mitang Magbanua na papaboran ito ng DBM ang kanilang hiling.