Capiz News
PRESO NA NAKATAKAS SA CAPIZ REHABILITATION CENTER NAARESTO SA CUARTERO, CAPIZ
Iniimbestigahan pa ngayon ng mga otoridad kung paano naka-eskapo ang isang preso sa Capiz Rehabilitation Center dakong ala-1:00 ng hapon nitong Martes.
Kinilala ang preso na si Jenus Artuz y Deretso alias Toto Ate, 38-anyos, residente ng Brgy. Mahunod-hunod, Cuartero, Capiz.
Muling naaresto ang preso sa Brgy. San Antonio sa bayan ng Cuartero dakong alas-5:00 ng hapon nitong Martes.
Ang preso ay may kasong Murder at paglabag sa Presidential Decree 1866. Nakadetene ito simula noong Pebrero 2016.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Capiz Rehabilitation Center sa pamumuno ni PG1 Cyril Dumali kasama ang limang prison guard at ng Cuartero PNP sa pamumuno ni PCapt. Christian Mahomentano, hepe. (with report from KaTodo Bucthoy Gardose)