Connect with us

Capiz News

Provincial Library ng Capiz binuksan na sa publiko

Published

on

Binuksan na sa publiko ng gobyerno probinsyal ang Provincial Library nitong Miyerkoles, Setyembre 30. Makikita ito sa 3rd Floor Capiz Government and Business Center.

Ayon sa Alfonso Tesoro ng Capiz Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, ang library ay bukas sa publiko lalo na sa mg estudyante Lunes hanggang Byernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Sa kaniyang mensahe sa opening and blessing ceremony ng library inilahad ni Governor Nonoy Contreras ang kahalagahan ng library lalo na sa mg estudyante.

Sa kaniyang mensahe, sinabi naman ni Tesoro na malaking tulong ito para mapaunlad ang leadership at literacy skills ng mga kabataan sa probinsiya.

Continue Reading