Connect with us

Capiz News

QUARANTINE FACILITY PARA SA MGA UUWING OFWs NA TAGA ROXAS CITY, NAKAHANDA NA

Published

on

Preparado na ang Hortus-Botanicus (Botanical Garden) sa Brgy. Milibili na siyang magsisilbing quarantine facility para sa mga Capizeño Overseas Filipino Workers (OFWs) na residente ng Roxas City.

Ito ay kasunod sa isinagawang inspeksyon ni City Mayor Ronnie Dadivas.

Ipinahayag ng alkalde na nakahanda na ang nasabing pasilidad sa 14 day quarantine period ng mga dadating na mga OFWs.

Ayon kay Dadivas kayang itong timanggap ng 40 ka tao at Plano Pa anya nilang dagdagan ang isolation area ng pasilidad.

Sasagutin din ng city government ang gastusin sa pagkain ng mga OFWs dito.

May general house rules din na dapat sundin ang mga naka quarantine kung saan pinagbabawalan silang bisitahin na kanilang mga kamag-anak para maiwasan na magkaroon ng close contact subalit pwede naman umano silang dalhan ng pagkain.

Napag alaman na Humigit-kumulang sa 200 na mga OFWs ang inaasahang uuwi sa probinsya ng Capiz kung saan ang mga taga Roxas City ay idederetso sa nasabing pasilidad samantala ang iba naman ay ika-quarantine sa designated quarantine facility ng kani-kanilang bayan.