Connect with us

Capiz News

Radio announcer sa Roxas City, ama kinasuhan ng Alarm and Scandal

Published

on

Nahaharap ngayon sa kasong Alarm and Scandal ang isang radio announcer dito sa Roxas City, Capiz matapos magpaputok umano ng baril sa kanilang residensiya.

Kinilala ang suspek na si Roberto April Gonzales, 35-anyos, alyas Wepol. Damay rin sa kaso ang kaniyang ama na si Roberto Gonzales, 66, mga residente ng Brgy. Tiza dito sa syudad.

Mababatid na noong Biyernes ng gabi, unang inireklamo sa Roxas City PNP ng engineer na si Boy Fernandez, kapitbahay ng mga suspek, na iligal umano na nagdadala ng baril si “Wepol”.

Nagreklamo rin nong gabing iyon si Marlon Chua ng nasabing lugar na namataan umano niya ang media man na bumaba sa motorsiklo at nagpaputok ng baril.

Mariin namang pinabulaanan ni Wepol ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Sa pagresponde ng kapulisan, narekober sa lugar ang limang basiyo ng .45 calibre ng baril.

Nabatid na nag-iskandalo pa ang radio announcer na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin habang inaaresto ng mga rumespondeng kapulisan.

Inaresto rin ang kaniyang ama matapos tangkain umano nitong harangin ang kapulisan sa pag-aresto sa anak.

Isasailalim pa sa ballistic examination ang mga narekober na basiyo.

Continue Reading