Capiz News
RETIRED ARMY ARESTADO SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE SA CUARTERO, CAPIZ
Arestado ang isang retired army sa kasong Attempted Homicide sa Brgy. San Antonio, Cuartero, Capiz nitong hapon ng Martes.
Kinilala ang akusado na si Juan Dordas, 62-anyos, isang retiradong sundalo at magsasaka, residente ng nasabing lugar.
Ang pag-aresto ay ikinasa ng Cuartero PNP sa pamumuno ni PCapt. Christian Mahometado, hepe, at Capiz Provincial Intelligence Unit sa pamumuno ni PMaj. Francisco Paguia, acting chief, sa bisa ng warrant of arrest.
Ang warrant ng akusado ay ni Jerson F Almalbis, Presiding Judge 6th Judicial Region, MCTC, Dumarao- Cuartero, Dumarao, Capiz noon pang Pebrero 2022.
Php36,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Pansamantala itong dinala sa Cuartero PNP station para sa kaukulang disposisyon.