Capiz News
RMPH, MALAPIT NANG MAABOT ANG FULL CAPACITY

Capiz – Malapit ng mapuno ang COVID-19 ward ng Roxas Memorial Provincial Hospital (RMPH).
Ito ay kasunod ng pagdami ng numero ng mg pasyente na nahawaan ng COVID-19 na nangangailangang i-confine sa ospital.
Ayon kay RMPH Quality Management and Customer Relations Officer Jhoanna Cruz-Am, 46 na pasyente ang ginagamot ngaypn sa nasabing ospital. 23 dito ang may severe to critical ang kundisyon.
Maliban sa malapit ng maabot ang full capacity ng RMPH, problema din ng management ang kakulangan ng medical oxygen para s mga pasyente dahil sa kakulangan ng pondo.
Pinangangambahan din ni Cruz-Am na kung matagalan pa na maaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang hinihinging dagdag na budget ng RMPH, maaring malagay sa alanganin ang buhay ng mga pasyente dahil wala ng pondo ang ospital para ipangbili ng medical oxygen na pinalala pa ng pagtaas ng demand nito sa Rehiyon 6 lalo na sa syudad ng Iloilo.
Samantala, nag-apela naman ng kooperasyon sa publiko si Cruz-Am na sundin ang minimum health protocol katulad ng pagsusuot ng facemask at face shield, pag obserba ng physical distancing at pag-iwas sa mga mataong lugar para maiwasan na mahawaan ng naturang sakit.