Connect with us

Capiz News

Roxas City nakapagtala ng 14 panibagong kaso ng COVID-19

Published

on

Nakapagtala ng 14 panibagong kaso ng COVID-19 ang Roxas City, Capiz nitong Martes.

Ayon sa report na inilabas ng Roxas City government, karamihan sa mga nasabing kaso ay mga miyembro ng pamilya na una nang naibalitang nagpositbo sa nasabing virus, mga close contacts, at nagtatatrabaho sa lugar na may nairekord na kaso, at isang Overseas Filipino Worker.

As of April 13, mayroon nang 772 kompirmadong kaso ang lungsod kung saan 44 rito ang aktibong kaso, 688 ang nakarekober na, habang 40 naman ang namatay.

Samantala, sinabi ni Mayor Ronnie Dadivas na maghihigpit ang gobyerno lokal sa pagpapatupad ng COVID-19 precautionary measures sa mga establisyemento komersyal sa lungsod.

Kabilang aniya rito ang pagbawal sa mga edad 14 anyos pababa pati na ang mga matatanda na edad 65 anyos pataas, mga may sakit at mga buntis na pumasok sa mga malls at iba pang mga establisyemento.

Magsasagawa rin ng weekly disinfection at pagpapatupad ng 50% minimum capacity at paglalagay ng mga barriers sa mga restaurants dito sa lungsod.

Sinabi ni Dadivas na magsasagawa ng inspeksyon ang Roxas City COVID-19 Task Force para masigurong sinusunod ang mga atas na ito.

Photo: Roxas City Gov’t/ Ronnie Dadivas FB