Connect with us

Capiz News

Roxas City Council umaksiyon na noon pa sa isyu kay Don Chiyuto – Sicad

Published

on

Bago pa man natangay ni Chiyuto ang mga pera ng mga investors dito sa Capiz ay gumawa na ng aksiyon ang Sangguniang Panglungsod ayon kay Vice Mayor Erwin Sicad para alamin ang legalidad ng negosyo ni Don Chiyuto.

“Before the problem arised, there was a move already from your Sangguniang Panglungsod. Amo na siguro ang mapabugal naton diri,” pahayag ng opisyal.

Matatandaan na Nobyembre ng nakaraang taon nang aprubahan ng Roxas City ng Sanggunian ng donasyon na ambulansiya ni Chiyuto para sa City government.

Ilang araw kasunod nito ay nagpadala umano ng sulat ang City Council kay Chiyuto upang magpaliwanag si legalidad ng kaniyang negosyo dahil sa ilang mga kontrobersiya.

Sinabi ng bise alkalde na hindi umano tumugon o sumipot si Chiyuto o ang kaniyang kinatawan man lang para ipresenta ang mga kaukulang dokumento sa kanilang negosyo kabilang na ang Securities and Exchange Commission registration.

Dahil limitado lamang aniya ang kakayahan ng Sanggunian, maaari lamang itong makapag-imbita pero hindi pwedeng makapamilit.

Kaugnay rito, sinabi ng bise alkalde, minarapat umano nilang ibalik ang ambulansiya.

Ang pahayag na ito ng bise alkalde at regular presiding officer ng city council ay bahagi ng kaniyang reaksiyon sa diskurso pribelihiyo ni Konsehal Midelo Ocampo.

Nagpahayag ng kaniyang sintemyento si Ocampo sa kaniyang talumpati sa Sanggunian sa kanilang regular session nitong Martes kaugnay ng krisis na kinahaharap ng taumbayan matapos matangay ni Chiyuto ang kanilang mga ininvest na pera.

Mababatid na higit isang linggo na nang napabalitang kinidnap umano si Chiyuto sa Las Piñas.