Capiz News
Roxas City Engineering Office sarado kasunod ng 2 empleyado na nagpositibo sa COVID-19


Pansamantalang ipinasara ng City Government ng Roxas City ang Engineering Office kasunod ng report na dalawa sa kanilang mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Ronnie Dadivas, tatlong araw na isasara ang nasabing tanggapan para isailalim sa disinfection.
Isasailalim rin aniya ang mga empleyado ng Engineering Office sa antibody test. Kapag nagpositibo sa test na ito ay isasailalim naman sa swab test.
Nilinaw naman ni Mayor Dadivas na tuloy parin ang operasyon ng ibang tanggapan sa City Hall.
Continue Reading