Connect with us

Capiz News

Roxas City Government muling nagbabala sa mga hindi nagsusuot ng face mask at face shield

Published

on

Nagbabala ang City Government sa mga mahuhuling hindi nagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar na papatawan na sila ng kaukulang penalidad.

Ito ay kaugnay sa Ordinance No. 044-2020 na ipinasa ng Sangguniang Panglungsod o ang “Face Mask, Face Shield, and Physical Distancing Ordinance” para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Simula ngayong araw, Setyembre 28, ang mahuhuling lumabag sa nasabing ordinansa ay papatawan na ng kaukulang parusa.

Batay sa obserbasyon ng pamahalaang lokal ng syudad, marami parin ang hindi sumusunod sa nasabing ordinansa sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng gobyerno.

Sa unang paglabag, Php500 ang multa o apat na oras na community service. Php3,000 o walong oras na community service naman sa ikalawang paglabag.

Posible namang makulong ang mahuhuli sa ikatlong paglabag maliban pa sa Php5,000 na multa depende sa diskresyon ng korte.

Continue Reading