Connect with us

Capiz News

Roxas City isinailalim sa State of Calamity sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19

Published

on

Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panglungsod na nagdideklara ng State of Calamity sa Roxas City sa gitna ng krisis dulot ng Corona Virus o COVID19.

Ipinasa ng Sanggunian ang resolusyon sa isang special session nitong Marso 22, araw ng Linggo.

Ayon kay Konsehal Atty. Paul Baticados, Chairman ng Committee on Rules and Ordinances, ipinasa nila ang resolusyon para magamit umano ang calamity fund ng mga kabarangayan.

Ito ay sa kabila na una nang nagpasa ng Proclamation Number 929 si Pangulong Rodrigo Duterte na naglalagay sa buong syudad sa State of Calamity.

Kaugnay rito, nagpaalala si Atty. Baticados sa mga opisyal ng barangay na gamitin ng maigi ang calamity fund sapagkat hindi pa tiyak kung hanggang kelan ang krisis sa COVID19.

Nanawagan rin siya sa publiko na makipagtulungan sa mga gobyerno sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at regulasyon para sa kaligtasan ng lahat.

Samantala, nagpasa rin ng resolusyon ang Sanggunian sa parehong araw na nag-oobliga sa mga minor at senior citizen na sumunod sa curfew ordinance ng city government.

Continue Reading