Connect with us

Capiz News

RT-PCR laboratory ng Roxas City handa na para sa inspeksyon ng Department of Health

Published

on

Sasailalim sa inspeksyon ng Department of Health ang bagong tayong RT-PCR (Reverse transcription polymerase chain reaction) laboratory ng Roxas City.

Ayon kay Mayor Ronnie Dadivas, darating ang mga tauhan ng kagawaran mula Manila sa Martes, Setyembre 15. Aniya mahalaga ang inspeksyon na ito dahil isa itong hakbang para mabigyan ng approval to operate ang laboratoryo.

Nabatid na nitong Biyernes, sa pagpupulong kasama ang City Government, inirekomenda ng  UP-Octa Research na dagdagan ang testing capacity sa Roxas City at paikliin ang pagpapalabas ng resulta ng swab test.

“Lauman ta nga maga dasig na ang pag gwa sang mga resulta sang guinapatigayon nga swab test,” pahayag ni Mayor Dadivas sa kaniyang Facebook post nitong Sabado.

“Indi na kita mag hulat sang pila ka semana nga resulta kundi sa sulod sang isa tubtob duha ka adlaw mahibaluan na kon positibo ukon negatibo sa COVID19 ang pasyente kag mas temprano maka himo sang mga tikang nga sila ma isolate, ma bulong kag indi na mag lapta ang sakit,” dagdag pa ng opisyal.

Una nang sinabi ng alkalde na ang containerized laboratory dito sa Roxas City ang kauna-unahan sa buong Isla ng Panay.

Continue Reading