Connect with us

Capiz News

Sultan Oquendo sasampahan ng kasong double murder

Published

on

Sasampahan ng kasong Double Murder si Sultan Oquendo ngayong araw sa pamamagitan ng regular filing ayon sa Pontevedra PNP.

Si Sultan ang suspek sa pagpatay sa mag-asawang Noli Navarro, 59-anyos, at Juara Navarro, 56, mga residente ng Hipona, Pontevedra, Capiz.

Matatandaan na Miyerkoles noong nakaraang linggo nang pagbabarilin ng suspek ang mag-asawa habang nagliligpit ng kanilang mga paninda sa nasabing barangay.

Isinugod ng pamilya ang mga biktima sa Bailan District Hospital pero dineklara ito ng doktor na dead on arrival matapos magtamo ng sugat ng pamamaril sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Ang suspek ay anak ni Punong Barangay Resty Oquendo.

Continue Reading