Connect with us

Capiz News

Tatlong residente sa Brgy. Culasi, Roxas City nagpositibo sa COVID-19; isa patay

Published

on

Kinatatakutan ngayon ng gobyerno ng Roxas City, Capiz ang posibilidad ng local transmission ng COVID-19 sa lungsod matapos tatlong mga residente ng Brgy. Culasi ang nagpositibo sa naturang sakit habang isa ang patay.

Mababatid na unang nagpositibo rito ang 69-anyos na babae. Sinundan ito ng 47-anyos na lalaki at isang 68-anyos na lalaki na nawalan ng buhay habang ginagamot sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Nananatili naman sa provincial hospital ang dalawang pasyente at nasa recovery stage na ayon kay Mayor Ronnie Dadivas.

Matatandaan na simula noong Martes, hinigpitan na ng mga law enforcers ang mga borders ng Sitio Sakop, Brgy. Culasi para walang makalabas-pasok sa lugar.

Sinabi ni Mayor Dadivas na ang City Health Office ay patuloy na nagsasagawa ngayon ng contact tracing at testing sa lahat ng mga high risk contact sa mga nagpositibo.

Handa naman ang gobyerno lokal ng Roxas City na magbigay ng mga pagkain at gamot sa mga residente para hindi na sila maglabas-pasok.

Continue Reading