Connect with us

Capiz News

TOP-DOWN AT MOTORSIKLO NAGBANGGAAN SA MAAYON, CAPIZ, 3 SUGATAN

Published

on

Sugatan ang tatlong katao matapos magbanggaan ang isang top-down motor-tricycle at isang motorsiklo sa Brgy. Canapi-an, Maayon, Capiz.

Kinilala ang driver ng topdwon na si Avelino Diom, 23-anyos. Angkas niya ang kaniyang kapatid na si Anarose Diom, 33, laborer, parehong mga residente ng Brgy. Quinabonglan sa parehong bayan.

Kinilala naman ang driver ng motorsiklo na si Jun Edgar Bacia, 20, residente ng Brgy. Aglimocon, Maayon, Capiz.

Ayon sa inisyal na report ng Maayon PNP, papuntang Brgy. Quinabonglan ang nasabing topdown nang magkabanggaan sila ng motorsiklo na papunta naman ng Brgy. Aglimocon.

Agad na dinala sa ospital ang mga sangkot matapos ang aksidente. Ang angkas ng topdown at ang driver ng motorsiklo ay nagtamo ng sugat sa kanilang mga ulo at kailangan ilipat ng ospital para sa kaukulang paggamot.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Maayon PNP sa aksidente.

Continue Reading