Connect with us

Capiz News

‘Topless’ sa mga pampublikong lugar sa Roxas City ipagbabawal na

Published

on

‘Nagtopless’ si Konsehal Jericho Celino kasama ang tatlong iba pang konsehal sa session ng Sangguniang Panglungsod ng Roxas City matapos maaprubahan ang kaniyang panukalang batas.

Naipasa nitong Martes sa session sa ikatlo at huling pagbasa ang kaniyang ordinansa na nagbabawal sa mga residente na mag-topless o mag-half-naked sa mga pampublikong lugar dito sa lungsod.

Kasama ni Celino na naghubad sa session ay sina Konsehal JP Arcenas, Dr. Cesar Yap, at Engr. Midel Ocampo.

Ayon kay Celino, ipinasa niya ang nasabing batas para mapanatili ang decency sa lungsod.

Batay sa ordinansa, maaari lamang maghalf-naked o mag-topless kapag nasa loob ng pribadong lugara at mga aktibidad na may permiso mula sa lokal na pamahalaan.

Exempted rin sa ordinansa kapag sangkot sa medical emergency, kapag isang katutubo suot ang etnic clothes, kapag nasa swimming pool, ilog, o beach, o kapag kalahok sa isang sport events.

Maaring magmulta ng Php500 o tatlong oras na community service ang mahuhuling lalabag rito.

Inaatasan ng lokal na batas ang Traffic Management Unit ng lungsod, mga kapulisan at mga opisyal o enforcers ng mga barangay para ipatupad ang nasabing ordinansa.

Continue Reading