Capiz News
Tricycle bumangga sa motorsiklo sa Pilar, babaeng buntis patay, 2 iba pa sugatan


Patay ang isang anim na buwang buntis na babae habang sugatan ang dalawang iba pa matapos mabangga ng isang tricycle ang dalawang motorsiklo sa Brgy. Santa Fe, Pilar, Capiz.
Kinilala ang namatay na si Maria Belen Balasa, 33-anyos, pasahero at live-in partner ng tricycle driver na si Gino Ignacio, 24, mga residente ng Brgy. Tanza, Estancia, Iloilo.
Kinilala naman ang mga driver ng dalawang motorsiklo na sina Denis Ryan, 28, residente ng Brgy. Insinyagan, Panit-an at Elmer Tabuada, 46, residente ng Brgy. Banate, Pontevedra, Capiz.
Naganap ang aksidente, hapon ng Huwebes.
Batay sa imbestigasyon ng Pilar PNP, menamaneho ng suspek ang isang tricycle sakay ang kaniyang live-in partner na buntis mula sa Roxas City patungo sanang Estancia, Iloilo nang maganap ang aksidente.
Nawalan umano ng kontrol sa menamanehong tricycle ang lalaki at bumangga sa kasunod na motorsiklo na menamaneho ni Denis saka nabangga ang kasalubong na motorsiklo na menamaneho naman ni Tabuada.
Agad na isinugod sa ospital ang tatlo pero binawian ng buhay ang buntis na biktima.
Nasa pangangalaga na ng kapulisan ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente.