Capiz News
Tricycle bumangga sa poste sa Brgy. Lawaan, Roxas City; 3 sugatan


Sugatan ang tatlong katao matapos bumangga ang kanilang sinasakyang tricycle sa isang poste sa national highway sa Brgy. Lawaan, Roxas City.
Kinilala ang nasugatan na sina Charlie Dela Cruz, driver ng tricycle, at mga sakay nito na sina Kirby Andrade, 20-anyos, at Marvin Paramis,19, mga residente ng Brgy. Jumagicjic, dito sa syudad.
Nabatid na nagtamo lamang ng ilang sugat sa katawan si Marvin matapos makatalon ito sa tricycle.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Roxas City PNP, binabaybay ng nasabing sasakyan ang highway mula sa Brgy. Milibili nang bumangga ito sa poste saka bumaliktad.
Nabatid na nakainom ang mga ito nang maganap ang nasabing insidente.
Agad na dinala ang mga sugatan sa ospital para sa kaukulang disposisyon.