Connect with us

Capiz News

TRICYCLE DRIVER, ARESTADO SA DRUG BUY BUST OPERATION SA BRGY. PUNTA TABUC, ROXAS CITY

Published

on

Arestado ang lalaking ito na isang tricycle driver sa ikinasang drug buy bust operation sa Brgy. Punta Tabuc, Roxas City nitong hapon ng Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey alyas ‘Jojo’ Daria, 37-anyos, residente ng nasabing barangay.

Narekober mula sa suspek ang lima lahat na sachets ng pinaghihinalaang shabu, Php3,500 na buy bust money, cellphone, at ilang drug paraphernalia.

Ang operasyon ay ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Station Drug ENforcement Team (SDET) ng Roxas City PNP.

Dinala na sa Roxas City PNP Station ang suspek kung saan ito pansamantalang ikukulong habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kaniya.

Continue Reading