Capiz News
TRICYCLE DRIVER ARESTADO SA JAMINDAN, CAPIZ SA KASONG RAPE AT CHILD ABUSE


Arestado ang isang tricyle driver sa Jamindan Gymnasium sa Poblacion, Jamindan Capiz dahil sa mga kasong Rape at Child Abuse.
Kinilala ang akusado na si Regie Morales, 36-anyos, residente ng Brgy. Poblacion Ilawod, Passi City pero temporaryong nakatira sa Brgy. Pangabat, Jamindan.
Ang akusado ay inaresto ng Jamindan PNP sa pamumuno ni PCapt. Tobias Garfin sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong Rape at paglabag sa Anti-Child Abuse Law.
Walang pyansa ang kasong Rape nito habang Php200,000 naman ang itinakada ng korte para sa kasong Child Abuse.
Ang mga warrant ay inilabas at pinirmahan ni Presiding Judge Rommel Lacson Leonor ng Branch 21 ng Regional Trial Court sa Mambusao, Capiz.
Ang nasabing akusado ay temporaryong ikinulong sa Jamindan PNP Station para sa kaukulang disposisyon.