Connect with us

Capiz News

Tricycle nabangga ng motor sa Panit-an; 2 driver sugatan

Published

on

Sugatan ang dalawang driver matapos magbanggaan ang kanilang menamanehong mga motorsiklo at tricycle sa Brgy. Salocon, Panitan, Capiz.

Kinilala ang driver ng tricycle na si Joeriz Tomasa 61-anyos, ng Brgy. Adlawan, Roxas City habang ang driver naman ng motorsiklo ay kinilalang si Cesar Dangan, 47, residente ng Brgy. Lanot sa lungsod ring ito.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Panitan PNP parehong papuntang Panit-an ang dalawa nang bigla umanong lumiko ang tricycle dahilan para mabangga ng kasunod na motorsiklo.

Dahil rito, nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang parehong nasabing driver.

Nilapatan ng paunang lunas ng mga rumespondeng tauhan ng mga tauhan ng Panit-an MDRRMO saka isinugod sa ospital si Tomasa.

Nasa kostudiya ngayon ng Panit-an PNP ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente.

Continue Reading