Connect with us

Capiz News

TRICYLE BUMANGGA SA TRUCK SA SAPIAN, CAPIZ; 2 PATAY, 6 SUGATAN

Published

on

Dalawa ang patay habang pito ang sugatan matapos bumangga ang isang tricycle sa isang truck sa national highway sa Sitio Sisi sa Brgy. Maninang, Sapian, Capiz.

Kinilala ang mga namatay na si Jyra Jean Veloria, menor, at Bavcie Veloria, nasa legal na edad, mga residente ng nasabing barangay.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina Anna Liza Parohinog, Aida Veloria, nasa legal na edad, Josyl Veloria, 24, Daniel Parohinog at Noah Melaño, parehong minor,Jorlan Veloria, 26, driver ng nasabing tricycle, lahat mga residente ng nabanggit na lugar.

Nabid na mula sa Mambusao, Capiz ang mga biktima at papauwi na sana ng kanilang bahay pero nang pagdating sa kurbadang bahagi sa Sitio Sisi ay naaksidente ang mga ito.

Ayon sa Sapian PNP, nawalan umano ng kontrol sa kaniyang menamanehong tricycle ang driver at nabangga nito ang kasalubong na wing van na menamaneho ni Virgilio Cabaluna, 34, residente ng San Carlos City, Negros Occidental.

Agad na isinugod ang mga biktima sa ospital para sa kaukulang paggamot pero dineklarang patay si Jyra Jean habang binawian naman ng buhay si Bavcie habang ginagamot roon.

Nasa kostudiya ng Sapian PNP Station ang driver ng truck at tatlo nitong crew nito para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading