Capiz News
UPDATE: Kasong Direct Assault isinampa na laban sa lalaking nagwala at nanipa sa mga pulis sa Sapian


Sinampahan na ng kasong Direct Assault Against Person in Authority ang lalaking nagwala at nanipa ng mga pulis sa Brgy. Agtatacay Sur, Panitan umaga ng Martes.
Kinilala ang naaresto na si Jay-R Trajada, residente ng Brgy. Agtatacay Sur, Sapian, Capiz.
Nabatid na habang nagsasagawa ng checkpoint ang Sapian PNP nakatanggap sila ng report na mayroong isang lalaki ang nagwawala at nambabangga ng mga dumaraan sa nabanggit na barangay.
Agad na rumesponde sa lugar ang kapulisan pero nanlaban ang suspek at pinagsusuntok at pinagsisipa nito ang apat na pulis kabilang ang kanilang hepe na si PLt. Nanette Puasan.
Nabatid na nakainom ang lalaki.
Continue Reading